Huwebes, Hulyo 10, 2025

Palasimba raw

PALASIMBA RAW

nangyayari sa totoong buhay
ang sa komiks ay kanyang palagay
palasimba'y palamurang tunay
kaplastikan nga ba yaong taglay?

palasimba'y sumagot, sa halip
na buti'y depensa ang naisip
wala raw dapat basagan ng trip
tanong ko sa kanya pag nahagip:

palasimba, bakit palamura?
ang buhay mo ba'y ganyan talaga?
palamura'y bakit nagsisimba?
upang sala mo'y patawarin na?

minsan komiks ang naglalarawan
ng buhay at ng katotohanan
na di lang pulos katatawanan
kundi pag-isipin ka rin naman

- gregoriovbituinjr.
07.10.2025

* mula sa pahayagang Bulgar, Hulyo 9, 2025, p.5

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Regalong isdâ sa tatlong pusang galâ

REGALONG ISDÂ SA TATLONG PUSANG GALÂ sadyang ipinaglutò ko sila ng isdâ upang madama rin ng mga pusang galâ ang diwà ng ipinagdiriwang ng ma...