Miyerkules, Hunyo 25, 2025

Gansal sa madaling araw

GANSAL SA MADALING ARAW

ikaw pa rin ang nasa isip
tila ako'y nananaginip
sa dibdib ika'y halukipkip 
sinta kong walang kahulilip

nagising ng madaling araw
lalo't dama ko'y anong ginaw
bumangon, binuksan ang ilaw
habang nasa diwa ko'y ikaw

bawat araw ko'y kakayanin
iyon ang nais mong gagawin
ko, katawan ko'y palakasin
at unang nobela'y tapusin

pag madaling araw babangon
at isip na'y naglilimayon
maraming kabanata roon
ay pagtalakay sa kahapon 

- gregoriovbituinjr.
06.25.2025

* GANSAL - katutubong tulang may siyam na pantig bawat taludtod

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa muling pagninilay

SA MULING PAGNINILAY pangit bang tawanan ang kababawan katulad ng payak naming biruan ng kapatid, kasama, kaibigan anong kahulugan ng kalali...