Preskong umaga
sa umaga'y kay-agang gumising
mula sa masarap na paghimbing
lalo't sa iyo'y may naglalambing
na tila bituing nagniningning
salubungin natin ang umaga
na sa puso'y may bagong pag-asa
na sa kabila ng kwarantina
ay di pa rin tayo nagdurusa
lasapin mo ang hanging amihan
damhin sa puso't nakagagaan
kayganda pa nito sa katawan
at nakalilinaw ng isipan
gigising na bandang alas-sais
at sa paligid na'y magwawalis
mag-eehersisyo, maglilinis
at kung may kalat ay mag-iimis
magsasaing na ri't magluluto
ng gulay, itlog, hawot na tuyo
at matapos nito'y maliligo
preskong umaga, walang siphayo
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Huwebes, Abril 16, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nakapagngangalit na balità
NAKAPAGNGANGALIT NA BALITÀ sinong di magngangalit sa ganyang balità: nangangaroling, limang anyos, ginahasà at pinatay, ang biktima'y na...
-
"Think lightly of yourself and think deeply of the world." ~ Miyamoto Musashi ang sarili'y huwag mo gaanong pakaisipin kund...
-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
KINALIKOT ANG MOUSE, AKALA'Y DAGA? ang mouse ng laptop ba'y nahilang sadya kaya napabagsak iyon sa lupa pagdating ko'y nakita si...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento