Magtanim sa latang walang laman
halina't kita'y magtanim sa latang walang laman
upang binhi'y di malunod, atin munang butasan
ang ilalim ng lata, nang tubig ay may labasan
saka lagyan ng lupa ang latang ating tatamnan
kaygandang gamitin ang latang di na binasura
kundi ginawang paso, pinagtaniman ng okra
petsay, talong, sitaw, alugbati, munggo, mustasa
magandang ilipat sa malaki kung lumago na
minsan, maging magsasaka tayo kahit sa lungsod
habang simpleng pamumuhay ang itinataguyod
kung kailangan, may mapipitas ka't makakayod
masarap ang may sariling tanim, nakalulugod
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
AlTangHap
ALTANGHAP ALmusal, TANGhalian, HAPunan - Altanghap minsan o madalas, iyan ang kinakain habang nagninilay, hinahabi'y pangarap at sinusul...
-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
KINALIKOT ANG MOUSE, AKALA'Y DAGA? ang mouse ng laptop ba'y nahilang sadya kaya napabagsak iyon sa lupa pagdating ko'y nakita si...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento