Biyernes, Setyembre 11, 2026

Sa ika-15 death monthsary ni misis

SA IKA-15 DEATH MONTHSARY NI MISIS
‎
‎hanggang ngayon ay nami-miss pa rin kita
‎ikaw na tinatangi ko't sinisinta
‎larawan mo'y sa loob ko nakapinta
‎nagugunita ka saanman magpunta
‎
‎tila ako'y ginagabayan mong lagi
‎at kaalaman mo'y ibinabahagi
‎sa kapwa, upang sila'y di maduhagi
‎na sariling dangal yaong nasasagi
‎
‎O, Liberty, bituin ka niring pusò
‎na sana sa lumbay ako pa'y mahangò
‎pagkatha'y pinagbubuti ko pang lalò
‎upang gawin ang nobela ng pagsuyò
‎
‎magpahinga ka na, aking ginigiliw
‎pag-ibig ko sa iyo'y di magmamaliw
‎
‎- gregoriovbituinjr.
‎09.11.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Trapo at basahan

TRAPO AT BASAHAN bentador ng bayan ang trapo ang turing sa dukha'y basahan trapo'y nanloloko ng tao ayuda ang nasa isipan ano bang a...