Huwebes, Nobyembre 13, 2025

DPWH ba'y paniniwalaan pa?

DPWH BA'Y PANINIWALAAN PA?

mukhang DPWH nagpapabango
nasa headline sila ng isang pahayagan
nagsalitâ sa pananalasa ng bagyo
mga pambansang daan ay di madaanan

di mo na tuloy alam kung anong totoo
pag DPWH na ang nagsalitâ
silang pangunahing sa kurakot nabisto
ay mag-uulat sa bayan hinggil sa sigwâ

maniniwala ba o ito'y guniguni
tulad ng pinag-uusapang ghost flood control
aasahan ba ang kanilang sinasabi?
e, kawatan at sinungaling nga'y mag-utol

flood control project ba'y sasabihing maayos?
at di substandard ang gamit na materyales?
matitibay daw ang gawa kahit mag-unos
e, maraming binaha, duda'y di naalis

DPWH ba'y paniniwalaan
ng bayang galit sa mga trapong kurakot
ahensyang pangunahin nga sa kurakutan!
O, DPWH, dapat kang managot

- gregoriovbituinjr.
11.13.2025

* litrato mulâ sa headline ng pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 11, 2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

DPWH ba'y paniniwalaan pa?

DPWH BA'Y PANINIWALAAN PA? mukhang DPWH nagpapabango nasa headline sila ng isang pahayagan nagsalitâ sa pananalasa ng bagyo mga pambansa...