Lunes, Setyembre 22, 2025

Salamat, Anne Curtis!

SALAMAT, ANNE CURTIS!

salamat sa pakikiisa, Anne Curtis
laban sa katiwalian at just-tiis
hngad ng bayan ay makamit ang justice
ikulong ang kurakot ang kanilang wish

sa ShowTime, isa kang idolo, diyosa
na kinikilala ng maraming masa
ang pagtindig mo'y pagbibigay pag-asa
laban sa tiwali't bulok na sistema

salamat sa tindig laban sa korupsyon
at marahil na rin sa imbestigasyon
sa mga taong sa korupsyon nalulong
na mismong bayan ang kanilang ginunggong

salamat sa pakikiisa sa bayan
laban sa nangyayaring katiwalian
parglahok mo sa rali ng taumbayan
ay dagdag sa pag-ukit ng kasaysayan

- gregoriovbituinjr.
09.22.2025

* litrato mula sa fb

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mabuhay ang Artikulo Onse!

MABUHAY ANG ARTIKULO ONSE! sumisigid sa puso't diwa ko'y protesta kaya lumahok ako sa rali ng masa sumisikip na pati ang Luneta'...