ESPOSAS
sa wikang Kastila pala'y dalawa
ang ibig sabihin nitong esposas
ito'y posas at maraming asawa
sa atin, mas asawa ang nawatas
ngayong Buwan ng Wika'y pag-usapan
paano nga ba iyan naisalin
lumaganap sa panahong nagdaan
hanggang buong bayan ito'y gamitin
magkaroon ba ng asawa'y posas
piniit ka sa kontrata ng kasal
wala kang kawala't di makalabas
hanggang sa tumanda't kayo'y magtagal
esposa, posas, laro ng salita
halaw na wika'y hindi na naalis
nananatili, at nauunawa
ng mamamayan, di lang ng marites
- gregoriovbituinjr.
08.13.2025
* ulat mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Agosto 12, 2025, p.5
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Miyerkules, Agosto 13, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Gatasan ng sakim?
GATASAN NG SAKIM? 'ghost' flood control projects, / gatasan ng sakim? kaya pag nagbaha'y / karima-rimarim gumamit ng pondo'y...

-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
"Think lightly of yourself and think deeply of the world." ~ Miyamoto Musashi ang sarili'y huwag mo gaanong pakaisipin kund...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento