Lunes, Agosto 25, 2025

Bato-bato

BATO-BATO

bato-bato sa langit
ang tamaan ay huwag magalit
ang tamaan ay huwag magsungit
ang tamaan ay pangit

bato-batong kalamnan
kalusugan ay pangalagaan
kamtin ang malakas na katawan
at masiglang isipan

ang ibong bato-bato
zebra dove pala sa Ingles ito
kurokutok din ang tawag dito
mailap o maamo?

bato-bato'y lumipad
na mga pakpak ay iniladlad
sa puting alapaap bumungad
tila langit ang hangad

sabi, bato-bato pic
nagbarahan ang basura't plastic
batid na ngunit patumpik-tumpik
pag baha lang iimik

bato-bato sa lupa
ay tila di mo mahahalata
ngunit pag ikaw ay tumingala
naiputan sa mukha

- gregoriovbituinjr.
08.25.2025

* litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bato-bato

BATO-BATO bato-bato sa langit ang tamaan ay huwag magalit ang tamaan ay huwag magsungit ang tamaan ay pangit bato-batong kalamnan kalusugan ...