Biyernes, Hulyo 4, 2025

Payo't payong mula CHR

PAYO'T PAYONG MULA CHR

namigay sa mga dumalo
ng payong ang CHR dito
sa ulan, agad nagamit ko
buti na lang at di bumagyo

payong, kapatid, tila sabi
ng mga katoto't kakampi
sa isyu ng bata, babae
obrero, maralita, IP

salamat sa payo at payong
nang karapatan ay isulong
salamat, binahagi'y dunong
ang problema ma'y patong-patong

may tatak: "Naglilingkod maging
sino ka man", aba'y kaygaling
sana'y tagos sa diwa natin
at puso ang gayong pagtingin

- gregoriovbituinjr.
07.04.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulâ na lang ang mayroon ako

TULÂ NA LANG ANG MAYROON AKO tulâ na lang ang mayroon ako hayaan n'yong iambag ko ito para sa maralita't obrero para sa buti ng bans...