Biyernes, Hulyo 18, 2025

Maling sagot sa krosword (Hinggil sa Pambansang Wika)

MALING SAGOT SA KROSWORD
(Hinggil sa Pambansang Wika)

sa Ikalabingwalo Pababa
yaong tanong ay Pambansang wika
wikang Filipino ba ang tama?
ngunit pitong titik lang, ano nga?

Pababa't Pahalang, sinagutan
Tagalog yaong kinalabasan
subalit iba ang katanungan
dapat ay wasto ang katugunan

kung historya'y aaraling lantay
sa Tagalog lamang ibinatay
ang Pambansang Wika, siyang tunay
nasa batas at laksang talakay

di Pambansang Wika ang Tagalog
kundi Filipino, na sa krosword
sa tanong ay mali ang sinagot
ito'y dapat huwag itaguyod

kung anong tama batay sa batas
iyon ang ating ipalaganap
dapat iyon ay ating mawatas
at ang mali'y huwag tinatanggap

- gregoriovbituinjr,
07.18.2025

* krosword mula sa pahayagang Abante Tonite, Hulyo 17, 2025, p. 7

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Maling sagot sa krosword (Hinggil sa Pambansang Wika)

MALING SAGOT SA KROSWORD (Hinggil sa Pambansang Wika) sa Ikalabingwalo Pababa yaong tanong ay Pambansang wika wikang Filipino ba ang tama? n...