Huwebes, Hunyo 5, 2025

Wika't adhika

WIKA'T ADHIKA

aking adhika
bilang makatâ 
sariling wika'y
isulong pa nga

sa kwento, tula,
dagli't pabula
lumang salita
bagong kataga

ang tagubilin
ay paunlarin
ating gamitin
ang wikang atin

sa bawat kathâ
sa bawat likhâ
sa bawat akdâ
bilang makatâ 

banal na layon
para sa nasyon
pag-unlad niyon 
yakap ko't misyon 

- gregoriovbituinjr.
06.04.2025

* ang sanligan o background ay mula sa pahayagang Bulgar, Hunyo 4, 2025, pahina 9 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Barok na salin

BAROK NA SALIN batid mo pag di Pinoy magsalitâ parang pananagalog ng Kastilà kung salin ng google, mahahalatâ pag barok ang salin ay kitang ...