Biyernes, Mayo 16, 2025

Pagsakit ng kanang balikat

kahapon, sumakit ang kanyang kanang balikat
na di na niya maigalaw dahil sa istrok
na tila na-dislocate, o kaya'y napilayan
payo ng doktor kagabi, ipa-xray agad

sana'y hindi iyon panibagong karamdaman
bagamat matagalan pa raw yaong gamutan
sana'y makalabas na rin kami sa ospital
na higit isang buwan na rin, gayon katagal

ibig ding sabihin, iyon na'y nakararamdam
may pakiramdam na ang kanang naapektuhan
kung tutuusin, magandang senyales na iyan
upang aking asawa'y gumaling nang tuluyan

naka-iskedyul na ang xray ngayong umaga
kaya maaga akong gumising, naghanda na
hinihintay lang kung sinong susundo sa kanya
at sana'y maging maganda naman ang resulta

- gregoriovbituinjr.
05.16.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Wika't adhika

WIKA'T ADHIKA aking adhika bilang makatâ  sariling wika'y isulong pa nga sa kwento, tula, dagli't pabula lumang salita bagong ka...