Linggo, Marso 9, 2025

Panawagan sa plakard

PANAWAGAN SA PLAKARD

simpleng panawagan ang nasa plakard
na tangan ng isang kababaihan
na dapat maunawaan at dinggin
nang malutas ang mga suliranin
ng masa sa kaharap na usapin

"Trabaho at Kabuhayan, Ngayon Na!"
at "Kabuhayan Para sa Lahat" pa
pati "Paalisin ang Korporasyong
Palakaya sa Fifteen Kilometrong
Municipal Waters!" ako'y sang-ayon

halina't dinggin ang kanilang tinig
at samahan silang magkapitbisig
lutasin ang mga nariyang isyu
karapata'y ipaglabang totoo
hanggang isyu nila'y maipanalo

- gregoriovbituinjr.
03.09.2025

* litratong kuha ng makatang gala noong Araw ng Kababaihan, malapit sa Mendiola

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa pagkilos laban sa kurakot

SA PAGKILOS LABAN SA KURAKOT talagang mahirap ding magrali ibubulgar mo'y boses ng api akala ako'y dito nawili nang mawala yaring ki...