Sabado, Marso 22, 2025

Hindi pa raw isusuko ang 'Bataan"

HINDI PA RAW ISUSUKO ANG 'BATAAN'

grabeng metapora kapag iyong tiningnan
tila ba sexist remark sa kababaihan
sa pagbabalita sa isang pahayagan
idagdag pa ang nagi-ispayk sa larawan

pamagat nga'y "Myla hindi pa isusuko
ang 'Bataan'", kahulugan ba'y napagtanto
gayunpaman, katapangan ang mahuhulo
bagamat pamagat ay tila pagbibiro

isa iyong balita sa larong volleyball
na si Myla Pablo ang nagbibigay trobol
sa katunggaling di basta-basta maismol
na matinding pagsasanay ang ginugugol

noong World War Two nang Bataan ay bumagsak
sa kamay nang Hapon, pinagapang sa lusak
ang mga Pilipino't Kanong tambak-tambak
hanggang sa mga kaaway sila'y umupak

hindi pa isusuko ang 'Bataan', sabi
sa ulat, pinatungkulan ang binibini
na animo'y patama sa pagkababae
na pag nalugso, Bataan na'y iwinaksi

- gregoriovbituinjr.
03.22.2025

* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Marso 22, 2025, pahina 8

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang pito kong aklat ni Ligaya G. Tiamzon Rubin

ANG PITO KONG AKLAT NI LIGAYA G. TIAMZON RUBIN Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Nakabili ako ng pitong aklat ng manunulat...