Huwebes, Marso 13, 2025

Almusal

ALMUSAL

nakakagutom sa madaling araw
kaya bumili muna ng pandesal
mamaya lang, puputok na ang araw
habang nariritong nag-aalmusal

nalilirip ay samutsaring paksâ
hinggil sa buhay at isyu ng masa
bakit naghihirap pa rin ang dukhâ?
bakit ba nagdidilim ang umaga?

bakit salot ang kontraktwalisasyon?
bakit manggagawa'y di maregular?
tibak na Spartan ba'y anong misyon
bakit ba trapo'y pulos lang paandar?

maraming napagninilayang kwento,
tula't sanaysay habang kumakain
ng pandesal, anong linamnam nito
ang tibak nga'y nagiging malikhain

- gregoriovbituinjr.
03.12.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

4-anyos na anak, pinatay sa sakal ng nanay

4-ANYOS NA ANAK, PINATAY SA SAKAL NG NANAY karumal-dumal ang sinapit ng apat na anyos na anak pa ng kanyang inang sumakal sa kanya bakit nan...