97-ANYOS, LALAHOK SA RAPID CHESS
edad na siyamnapu't pitong anyos
ay isa nang malaking gantimpala
iyon pa kayang lalaban kang lubos
sa chess, aba'y sadyang kahanga-hanga
pagpupugay sa iyo, Tatay Domeng
na tatlong taon pa'y sandaan ka na
ilalabas mo pa ang iyong galing
sa torneo ng chess sa Marikina
nawa'y makamit mo sa iyong edad
ang unang pwesto sa larangan ng chess
pag nagkampyon ka, tunay kang mapalad
lalo't laro ng utak ang ahedres
salamat, isa ka nang inspirasyon
upang tularan ka ng kabataan
maabot ang edad mo'y aking layon
kaya sa chess ako na'y ginanahan
- gregoriovbituinjr.
03.08.2025
* ulat mula sa pahayagang Bulgar, Marso 7, 2025, p.12
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Hayaan n'yong magkwento ako
HAYAAN N'YONG MAGKWENTO AKO hayaan n'yong magkwento ako sa bawat sandali pagkat pagkukwento naman ay di minamadali salaysay ng mga n...
-
"Think lightly of yourself and think deeply of the world." ~ Miyamoto Musashi ang sarili'y huwag mo gaanong pakaisipin kund...
-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
KINALIKOT ANG MOUSE, AKALA'Y DAGA? ang mouse ng laptop ba'y nahilang sadya kaya napabagsak iyon sa lupa pagdating ko'y nakita si...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento