Miyerkules, Pebrero 12, 2025

Tula'y tulay

TULA'Y TULAY

tula'y tulay ko sa manggagawa
tulang kinatha ukol sa dukha
tula upang umugnay sa madla
kaya naritong nagmamakata

dito natagpuan ang pag-ibig
taludtod at saknong ang kaniig
kinatha'y nilupak at pinipig
kahit nakatihaya sa banig

tahakin ma'y pitong kabundukan
maging madawag na kagubatan
nasa lansangan man o piitan
kakatha't kakatha pa rin naman

tula'y aking tulay sa daigdig
bibigyang boses ang walang tinig
kuhila't burgesya'y inuusig
na hustisya ang pinandidilig

- gregoriovbituinjr.
02.12.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Planetang Biyo, ipinangalan sa Pinay na gurĂ´

PLANETANG BIYO, IPINANGALAN SA PINAY NA GURĂ” ‎ ‎ang Florian main-belt  asteroid 13241 Biyo  ‎na nadiskubre ng LINEAR sa Lincoln Lab's ET...