Linggo, Pebrero 16, 2025

Paksa

PAKSA

kahit natutulala
patuloy ang pagtula
anumang naitala
di binabalewala

makata ng lansangan
ako kung maturingan
hinggil sa sambayanan
ang paksang tangan-tangan

dibdib ay napupunit
ng aleng kumalabit
para sa baryang hirit
buti't di nang-uumit

ang kamao ko'y kuyom
dahil kayraming gutom
bibig ko man ay tikom
pluma ko'y di uurong

titingin sa kisame
sa diwa'y may mensahe
paksang nakabibingi
sa tula sinasabi

- gregoriovbituinjr.
02.16.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tulad ng dati, 49 na araw na sa ospital

TULAD NG DATI, 49 NA ARAW NA SA OSPITAL sa nagdaang taon, apatnapu't siyam na araw kami sa ospital, panahong kami'y makalabas subali...