Linggo, Enero 26, 2025

Pinta sa dingding

PINTA SA DINGDING

kaygandang drowing
doon sa dingding
ng isang kambing
tila kaylambing

at kinulayan
ng katamtaman
ramdam ko naman
ay kagalakan

may sinasabi
ang kambing dine
tila mensahe:
ako'y mag-selfie

nadadalumat
ko'y di makatkat
sa puso'y tapat
kong pasalamat

- gregoriovbituinjr.
01.26.2025

* pinta mula sa opisina ng SM-ZOTO sa Navotas

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagbabasa't pagninilay

PAGBABASA'T PAGNINILAY patuloy lang akong nagniniay nagtatahi ng pala-palagay magpa-Pasko subalit may lumbay pagkat nag-iisa na sa buhay...