Martes, Disyembre 3, 2024

Bukangliwayway

BUKANGLIWAYWAY

kaytagal nahimbing
kay-agang nagising
agad nang naligo
baho'y pinaglaho

dapat gumayak na
at kumain muna
kaylayong totoo
ng pupuntahan ko

barya ko'y binilang
tungong pupuntahan
saan ba aabot
ang baryang nadukot

sa aking pantalon
nang tupdin ang layon
ah, kaygandang ugnay
ang bukangliwayway

- gregoriovbituinjr.
11.03.2024    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Sa ikapitong anibersaryo ng Akamid

SA IKAPITONG ANIBERSARYO NG AKAMID Akamid  - ikalawang kasal natin, mahal na seremonyas ng katutubong I-Lias una'y civil wedding natin n...