Lunes, Disyembre 9, 2024

Ang tula, ayon sa palaisipan

ANG TULA, AYON SA PALAISIPAN

sa Una Pahalang: isiping pawa
ano bang binibigkas ng makata?
na agad ko namang sinagot: TULA
lalo na't malimit kong kinakatha

gayong tula'y bihira kong bigkasin
batid kong walang didinig sa akin
maliban kung nasa rali't tawagin
ay bibigkas ng rubdob ang damdamin

makata akong kung magsulat: payak
hinggil sa maraming paksang palasak
tulad niring sugat na nagnanaknak
pluma'y tangan, palad ko'y naglilipak

nagbibilang ng taludtod at pantig
tiyak may tugma't sukat bawat pintig
nitong pusong kaysarap kung umibig
at tula'y bibigkasin kong may himig

- gregoriovbituinjr.
12.09.2024

* mula sa pahayagang Bulgar, Disyembre 9, 2024, p.11    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang bago kong radyo

ANG BAGO KONG RADYO bumili ako ng bagong radyo presyo'y walang limang daang piso panlaban sa pagkaaburido pampaginhawa rin ng huwisyo mg...