Miyerkules, Setyembre 25, 2024

Magsing-irog

MAGSING-IROG

lagi tayong magkaugnay
sa gitna ng tuwa't lumbay
ay mag-iibigang tunay
di tayo maghihiwalay

sinasamba kita, sinta
mabago man ang sistema
makamit man ang hustisya
pakaiibigin kita

sa pagbabakasakali
pagsinta'y naipagwagi
di papayag maduhagi
ng sinumang mang-aglahi

tara na sa paraiso
na animo'y kalaboso
ikaw na sintang totoo'y
kukulungin sa bisig ko

- gregoriovbituinjr.
09.25.2024

* litrato mula sa google

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pangarap ko'y sa laban mamatay

PANGARAP KO'Y SA LABAN MAMATAY sakaling ako'y biglang mamatay ayokong mamatay lang sa sakit nais kong sa laban humandusay binira, bi...