Linggo, Agosto 4, 2024

Pansit bato

PANSIT BATO

ang ramdam ko'y batong-bato
sa panahong tulad nito

at nakita ko sandali
ang kanyang kaygandang ngiti

hanggang siya na'y lumapit
hinainan akong pilit

minasdan ko ang nilatag
di mawari't nasa hapag

ang tanong ko, "Ano ba 'to?"
sagot niya, "Pansit bato"

nagluto siya ng pansit
nang ulo ko'y di uminit

hain niyang pansit bato
ay tama lang sa tulad ko

- gregoriovbituinjr.
08.04.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang kaibhan

ANG KAIBHAN mas nabibigyang pansin ang mga makatang gurô kaysa makatang pultaym na nasa kilusang masa naisasaaklat ang akdâ ng tagapagturò k...