Sabado, Agosto 10, 2024

Pagsipat sa panulat

PAGSIPAT SA PANULAT

narito akong manunulat
subalit hindi manunulot
nililinis ang mga kalat
ngunit hindi ang mga kulot
ginagamot ang mga sugat
na mula sa pasikot-sikot
ngunit walang maisusumbat
sa mga walang masasambot
makatang di naman makunat
bagamat noo'y nakakunot
sadyang mahilig lang bumanat
wala mang pistolang mabunot
pag may isyu kahit mabigat
isusulat nang di mabagot

- gregoriovbituinjr.
08.10.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Hayaan n'yong magkwento ako

HAYAAN N'YONG MAGKWENTO AKO hayaan n'yong magkwento ako sa bawat sandali pagkat pagkukwento naman ay di minamadali salaysay ng mga n...