Biyernes, Hulyo 5, 2024

Ang tatak sa poloshirt

ANG TATAK SA POLOSHIRT

"Nagkakaisang Lakas"
ay "Tagumpay ng Lahat!"
sa poloshirt ay tatak
ito'y nakagaganyak

upang ako'y kumilos
kahit madalas kapos
sa buhay na hikahos
naghahandang makalos

ang bulok na sistema
habang inaasam na'y
panlipunang hustisya
para sa aping masa

gabay na't inspirasyon
sa pagkilos ko't layon
ang natatak na iyon
upang tupdin ang misyon

- gregoriovbituinjr.
07.05.2024

* litratong kuha ng makatang gala sa pagkilos tungong Mendiola, 06.12.24

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paskong tuyó

PASKONG TUYÓ ano bang aasahan ng abang makatâ sa panahong ipinagdiriwang ng madlâ kundi magnilay at sa langit tumungangà kahit nababatid ang...