Huwebes, Hunyo 13, 2024

LaroSalita

LAROSALITA

1

TULA, TULI, TULO

iyong tingnan ang mga salita
TULA ang kinatha ng makata
TULI sa mga nagbibinata
TULO kapara'y uhog at luha

2

ANTAK, ANTIK, ANTOK

ANTAK na ang aking mga sugat
ANTIK pa ang gasang inilapat
ANTOK na't ang daliri'y nakagat
nang magdugo'y di agad naampat

3

BANTA, BENTA, BINTA

BANTA raw ang natatanggap niya
dahil sa kalakal, walang BENTA
tumakas siyang sakay ng BINTA
sa dagat, naghabulan talaga

- gregoriovbituinjr.
06.13.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang taong pinili mo, kaysakit pag nawala sa iyo

ANG TAONG PINILI MO, KAYSAKIT PAG NAWALA SA IYO (Sa ikaapat na DEATH Monthsary ni misis) ang taong pinili mo, kaysakit pag nawala sa iyo pin...