Biyernes, Mayo 3, 2024

Pagkilala sa literatura

PAGKILALA SA LITERATURA

limang pahina sa pesbuk ang kumilala
sa inyong lingkod na umano'y palabasa
hinggil sa mga paksa sa literatura
larang itong pinagbubutihang talaga

pagkat panitikan na'y bahagi ng buhay
pagkat nagsusulat tuwina ng sanaysay
pagkat pagkatha ng kwento'y pinaghuhusay
pagkat sa balana tula ang aking tulay

pagkilala man itong walang sertipiko
pagkilala'y mahalaga na ring totoo
limang pahinang marahil ay pinindot ko
kaya napabilang ako sa buong linggo

gayunpaman, taospusong pasasalamat
inspirasyon ito upang sadyang magsikap
patuloy na kumatha, lumikha, magsulat
tagumpay man sa larangang ito'y kay-ilap

- gregoriovbituinjr.
05.03.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kawawa naman ang buwaya

KAWAWA NAMAN ANG BUWAYA kawawa naman ang buwaya sa tusong trapo iginaya dahil ba sa kapal ng balat o pangil, kaytinding kumagat buwaya'y...