Martes, Abril 16, 2024

Hikab sa lamay

HIKAB SA LAMAY

ramdam ko na ang antok, naghikab 
ngunit di pa oras magpahinga 
dapat pang asikasuhing ganap 
ang kamag-anakan at bisita 

nakadalawang hikab na ako
ay, dapat nang magpahingang tunay
sa tula ako nagpasaklolo
na siyang sa akin umalalay

pag mga bisita'y nag-uwian
maglilinis muna ng paligid
ipasok ang pinggan, kanin, ulam
saka bintana't pinto'y ipinid

at sa mahabang bangko'y humiga
mga mata'y marahang ipikit
habang sa mahal nangungulila
ay matutulog ng ilang saglit

- gregoriovbituinjr.
04.16.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang labada ni mister

ANG LABADA NI MISTER bilin ni misis, maglaba ako kaya di ko dapat kalimutan  ang sa akin ay biling totoo na agaran kong gagawin naman ang la...