PABAHAY AT TRABAHO, HINDI CHACHA
kayganda't pinaghirapang sining
sa plakard na ina'y humihiyaw
doon ay talagang idinrowing
ang hiling nila't isinisigaw
payak na panawagan ng ina
at nakikinig ang kabataan
trabaho't pabahay, hindi ChaCha
dapat unahin para sa bayan
ChaCha ay kapritso lang ng trapo
na gustong mabago'y Konstitusyon
aariing sandaang porsyento
ng dayo ang lupa't term extension
trapo'y walang inisip sa bansa
kundi lumawig lamang ang hanay
ayaw gawin ang asam ng dukha
na trahaho muna at pabahay
trapo'y ChaCha ang nais sayawin
nang sa kapangyariha'y tumagal
binabalewala'y bayan natin
na inihuhulog sa imburnal
- gregoriovbituinjr.
03.12.2024
* litratong kuha ng makatang gala noong Araw ng Kababaihan 2024
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagninilay at pagsusulat
PAGNINILAY AT PAGSUSULAT ngayon pa lang nagsisimula ang gabi sa akin matapos ang maghapong pagninilay sa usapin ano nga bang nasa dako roon ...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
PUNGLO nakatitig ako sa bituin sa kalawakan nagniningning hanggang binaybay ko ang karanasan nakita kong nananalamin ang dagat sa buwa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento