MAHIRAP MAN ANG DAAN
"Sometimes there's not a better way, sometimes there's only the hard way." ~ Mary E. Pearson
minsan daw, may mga bagay
upang kamtin ang tagumpay
ay pagsisikapang tunay
daraan man sa kumunoy
tinanim man ay maluoy
sikapin mong magpatuloy
minsan, kayhirap ng daan
baku-bako ang lansangan
o baka maligaw ka man
pag-isipan mong mabuti
anong mabuting diskarte
huwag lang maging salbahe
ang loob mo'y lakasan pa
tulad ng chess ang pagbaka
palaisipan talaga
at iyo ring mararating
ang pangarap mo't layunin
tagumpay ay kakamtin din
- gregoriovbituinjr.
01.09.2024
* palaisipan ay mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 9, 2024, p.10
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Lugaw na naman
LUGAW NA NAMAN lugaw muli ang pagkain ni misis sa ospital, sa lugaw nagtitiis bawal muna sa kanya ang matamis o kaya'y maalat na parang ...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
PUNGLO nakatitig ako sa bituin sa kalawakan nagniningning hanggang binaybay ko ang karanasan nakita kong nananalamin ang dagat sa buwa...
-
H appy Mother's Day, pagpupugay sa lahat ng nanay! A nak po'y naritong nagpapasalamat ng tunay! P agkat kayo'y inang mahal! ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento