Huwebes, Enero 18, 2024

Anyubog

ANYUBOG

paano ko kakathain ang ikaw
kung sa nilalandas ay naliligaw
tumahak man sa putikang mababaw
sa gubat na masukal at mapanglaw

paano kaya kita ikakatha
ng tula habang ako'y nasa lawa
at pinagmamasdan ang mga isda
roong tila nagkasiyahang sadya

kakathain ko anuman ang isyu
upang ang masa'y mulating totoo
kung sistema'y papalitang paano
habang kasama kita'y napagtanto

magpatuloy lang tayong makibaka
lalo't magkasama kita tuwina

- gregoriovbituinjr.
01.18.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Noche Buena ng isang biyudo

NOCHE BUENA NG ISANG BIYUDO nagsalita ang D.T.I., atin daw pagkasyahin iyang limang daang piso sa Noche Buena natin maraming nagprotesta, hu...