Sabado, Setyembre 23, 2023

Komentula

KOMENTULA

di raw ako masalita
tila tinahi ang dila
madaldal lang daw sa tula
at doon ngawa ng ngawa

sa tula nahahalata
ang damdamin ng makata
anuman ang sapantaha
sa katha sinasariwa

patuloy lang sa pagkatha
ang makatang maglulupa
kay-ingay ng nasa diwa
animo'y rumaragasa

mag-ingay ka pa, makata
ikaw na di masalita
sa toreng garing ma'y wala
kinakatha'y komentula

- gbj/09.23.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Paligsahan na ba ang paghuli ng kriminal?

PALIGSAHAN NA BA ANG PAGHULI NG KRIMINAL? paramihan na raw ng huli ng kriminal, sa ulat sabi  ng bagong tinalagang hepe o namumuno sa PNP su...