Huwebes, Mayo 4, 2023

Taas-kamao

TAAS-KAMAO

mga kasama, mabuhay kayo
sa pagkilos nitong Mayo Uno
kaisa akong taas-kamao
sa Dakilang Araw ng Obrero

mabuhay kayo, mga kapatid
obrero'y tampok, wala sa gilid
diwa ng paggawa'y inyong hatid
lipunang asam ay inyong batid

mabuhay ang lahat ng sumama
pagpupugay sa mga kasama
magpatuloy sa pakikibaka
hanggang mabago na ang sistema

di sa Mayo Uno natatapos
ang ating sama-samang pagkilos
maghanda tayo sa pagtutuos
nang sistemang bulok na'y makalos

- gregoriovbituinjr.
05.04.2023

* litratong kuha ng makatang gala sa Recto tungong Mendiola, 05.01.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagninilay-nilay

PAGNINILAY-NILAY aanhin kong umabot ng sandaang taon kung nakaratay sa banig ng karamdaman kung sa mundong ito'y natapos na ang misyon k...