Linggo, Mayo 21, 2023

Senglot

SENGLOT

patagay-tagay
di mapalagay
sa naninilay
na dusa't lumbay

painom-inom
kahit magutom
kamao'y kuyom
ang labi'y tikom

patoma-toma
problema'y sumpa
nais magwala
ngawa ng ngawa

pabarik-barik
gin ay kaybagsik
diwa'y tiwarik
agad naghilik

knockout na't lasing
blackout pa't himbing
may kumalansing
agad nagising

- gregoriovbituinjr.
05.21.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Noli Me "Tangina"

NOLI ME "TANGINA" si Rizal daw ang idolo ng ama na hilig magtungayaw o magmura inakda raw ay  Noli Me "Tangina" komiks n...