Lunes, Mayo 15, 2023

Masahe

MASAHE

kaysarap ni misis magmasahe
ng ulo ko, tanggal pa ang kati
nadama'y ginhawa ngayong gabi

dahil sa mga haplos ni misis
ang sakit ng ulo pa'y naalis
na talagang aking tinitiis

tiyak na masarap ang tulog ko
na parang hinehele sa kubo
nitong pangarap na paraiso

- gregoriovbituinjr.
05.14.2023

* mapapanood ang 7 sec. reel sa: https://fb.watch/kwMKBBxeEC/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nakba - salin ng tula ni Sheikha Hlewa

NAKBA Tula ni Sheikha Hlewa Isinalin sa Ingles ni Fady Joudah (Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.) Mas bata ng tatlong taon ang aking ...