Miyerkules, Disyembre 7, 2022

Butas

BUTAS

may butas sa bangketa
ang kanilang nakita
nilagyan ng basura
ah, ginawa'y tama ba?

basta butas ay lagyan?
at gawing basurahan?
kawawang kalikasan?
budhi nila'y nasaan?

may butas, parang kanal
basura ang pantapal?
ang ganito bang asal
ay anong tawag, hangal?

basta ba butas, pasak?
di ka ba naiiyak?
kalikasa'y nanganak
ng laksa-laksang layak!

- gregoriovbituinjr.
12.07.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Matapos ang ikalawang operasyon

MATAPOS ANG IKALAWANG OPERASYON  nakita ko si misis sa operating room bago lumabas upang madala sa kwarto matapos gawin ang dalawang operasy...