Huwebes, Nobyembre 10, 2022

Ang Alpha Centauri

ANG ALPHA CENTAURI

bata pa ako'y dinig ko na ang Alpha Centauri
isa sa mga bituing kayliwanag sa gabi
kinagiliwan noon, napaka-interesante
kaya astronomya'y kinahiligan ko rin dati

pinakamaliwanag sa konstelasyong Centaurus
at pangatlo ring pinakamaliwanag nang lubos
sa panggabing langit, nanaliksik, ito'y natalos
sa gabi'y tinitingala, huwag lamang may unos

nasa apat punto tatlumpu't pitong sinagtaon
o lightyear mula sa araw yaong distansya niyon
sa sistemang solar pinakamalapit na iyon
tuwing minsan, sa paksang ito ako nakatuon

dahil Bituin ang apelyido'y aking pinlano
na isulat ang bituin sa ating uniberso
pinag-iipunan kong bumili ng teleskopyo
upang sa ating kalawaka'y higit pang matuto

- gregoriovbituinjr.
11.10.2022

* Bahagi ng planong aklat na "Talastas Ko ang mga Bituin" na katipunan ng mga sanaysay, kwento at tula. Apelyido ng asawa ko'y Talastas at ako naman ay Bituin.

* Pinaghalawan:
https://www.nasa.gov/mission_pages/chandra/images/alpha-centauri-a-triple-star-system-about-4-light-years-from-earth.html
forbes.com/sites/startswithabang/2017/12/29/how-shooting-for-alpha-centauri-will-change-the-world/
https://www.constellation-guide.com/alpha-centauri/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pananghalian sa ospital

PANANGHALIAN SA OSPITAL pananghalian dito'y gulay, isda't lugaw ayaw kumain ni misis, siya'y busog daw natulog siya't ibibil...