Linggo, Setyembre 18, 2022

Inihaw na tahong

kaysarap ng inihaw na tahong
na inihain sa aming pulong
na mula sa dagat ng linggatong
ng samutsaring paksang umusbong

kung naroong mangga'y manibalang
kung buwan ay maghulog ng sundang
kung lumabas ang kawan ng balang
kung gumagala'y may pusong halang

kaysarap ng inihaw na tahong
habang kayrami ng mga tanong
iba'y pakitang-gilas sa dunong
sa balitaktaka'y di umurong

- gbj/09.18.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pagbabasa't pagninilay

PAGBABASA'T PAGNINILAY patuloy lang akong nagniniay nagtatahi ng pala-palagay magpa-Pasko subalit may lumbay pagkat nag-iisa na sa buhay...