Miyerkules, Pebrero 2, 2022

Tampuhan

TAMPUHAN

para ba silang aso't pusa pag nagkatampuhan?
datapwat nagkakabalikan pag nag-unawaan
mga bagay ay nakukuha sa paliwanagan
upang muli namang tumamis ang pag-iibigan

bigla na lang ba siyang mananahimik sa tabi
masama na ang loob at di na napapakali
magsasawalang-kibo lang nang walang sinasabi
di na mag-uusisa sa nakita't nangyayari

huwag takbuhan ang problema o pagkasiphayo
harapin ang anumang pagdududa't panibugho
mag-usap ng masinsinan hanggang tampo'y maglaho
anumang problema'y lutasin ng buong pagsuyo

anong hirap magkatampuhan sa maling akala
o kaya pinapakita'y pawang tamang hinala
ipaliwanag natin kung anong ating nagawa
upang alitan o tampuhan ay di na lumala

- gregoriovbituinjr.
02.02.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Talarô

TALARÔ sabi ng aking kalarô mayroon silang talarô isang timbangan daw iyon noon pang unang panahon kung gayon, bukod sa salop may gamit ang ...