Sabado, Enero 15, 2022

Pag-aaral

PAG-AARAL

hinatid ko sa paaralan
ang batang inaalagaan
upang maraming matutunan
sa mga paksa sa lipunan

ngunit kinagiliwan niya
ang numero, matematika
ano ba ang aritmetika
magbilang ng pasahe't barya

tuwang-tuwa akong matuto
siya ng mga paksang ito
magaling siya sa numero
sipnayang noon pa'y hilig ko

astronaut ang kanyang pangarap
bagamat mahal at kayhirap
patuloy kaming magsisikap
nang ito'y matupad ngang ganap

- gregoriovbituinjr.
01.15.2022

sipnayan - wikang Filipino sa matematika

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang masamang asal ng nasa political dynasty

ANG MASAMANG ASAL NG NASA POLITICAL DYNASTY sadyang sa hayop ay masahol pa ang asal ng nasa dinastiya utusang pulubi lang ang masa na tatahi...