Sabado, Oktubre 30, 2021

Paskil sa dyip

PASKIL SA DYIP

nakapaskil sa dyip, "Please read me" 
"No face mask, no face shield, no entry"
wastong bilin, napakasimple
madali lang maiintindi

paskil na nagmamalasakit
nang di mahawaan ng COVID
kung wala kang face mask o face shield
huwag sumakay o sumabit

nawa'y unawaing totoo
na ito'y para rin sa iyo
sa kaligtasan ng kapwa mo
para sa bawat pasahero

ika nga nila, huwag tanga
alam mo namang may pandemya
face mask at face shield mo'y nahan ba?
kung suot, makakasakay ka

- gregoriovbituinjr.
10.30.2021

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tutulan ang imperyalistang giyera!

TUTULAN ANG IMPERYALISTANG GIYERA! bakit natin dapat tutulan ang digmaang bunsod ng katakawan sa kapangyarihan na hangad manakop ng ibang ka...