Biyernes, Pebrero 12, 2021

Tanagà sa pighati

Tanagà sa pighati

1
bakas pa ang pighati
ng nawalan ng puri
na tinatangka lagi
ng isang tusong pari
2
naulinigan mo ba
sa kanilang pagbaka
yaong sigaw ng masa:
nasaan ang hustisya!
3
kumikilos ang hari
sa ngalan ng salapi
pribadong pag-aari
ang rason ng pighati
4
danas ay balagoong
ng isa kaya buryong
tadtad na ng kurikong
may pigsa pa sa ilong
5
isdang tuyot na tuyot
ang nais niyang hawot
tila ba nilulumot
ang pisngi ng kurakot
6
nariyan si masungit
na ang ugali'y pangit;
mutyang kaakit-akit
ay sobra namang bait
7
malupit ang burgesya
tingin sa dukha'y barya
turing pa sa kanila'y
mga mutang sampera

- gregoriovbituinjr.

* Unang nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng pambansang organisasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Pebrero 1-15, pahina 20.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang galas pala'y mapulang lupa

ANG GALAS PALA'Y MAPULANG LUPA may  Mapulang Lupa  sa  Las Piñas sa bandang  Sampaloc  ay may  Galas naalala ngayon at nawatas dalawang ...