PINYUYIR TUOL
(an acrostic poem)
Pagbati po sa inyo ng Manigong Bagong Taon
Ito'y mula sa puso't diwang hindi makakahon
Nais kong pasalamatan ang bawat isa ngayon
Yamang naging bahagi kayo ng buhay ko't layon
Uugitin natin ang magandang kinabukasan
Yaring buhay na'y aking inalay para sa bayan
Itatayo ang pinapangarap nating lipunan
Rinig mo iyon sa pintig ng puso ko't isipan
Tutulan bawat pang-aapi't pagsasamantala
Upang makataong lipunan ay maitatag pa
O, Manigong Bagong Taon muli't bagong pag-asa
Lalo't naririto pang malakas at humihinga
- gregoriovbituinjr.
01.01.2021
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Biyernes, Enero 1, 2021
Pinyuyir Tuol
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pananghalian sa ospital
PANANGHALIAN SA OSPITAL pananghalian dito'y gulay, isda't lugaw ayaw kumain ni misis, siya'y busog daw natulog siya't ibibil...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
PUNGLO nakatitig ako sa bituin sa kalawakan nagniningning hanggang binaybay ko ang karanasan nakita kong nananalamin ang dagat sa buwa...
-
H appy Mother's Day, pagpupugay sa lahat ng nanay! A nak po'y naritong nagpapasalamat ng tunay! P agkat kayo'y inang mahal! ...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento