Linggo, Setyembre 6, 2020

Sa ika-74 kaarawan ng aking ina

nais naming batiin ni misis ang aking ina
ng maligayang kaarawang puno ng pag-asa
"Happy Birthday po!" itong pagbati naming masaya
nawa'y lalagi po kayong malusog sa tuwina

nawa'y laging nasa mabuting kalagayan kayo
ni Ama, at di nako-COVID, kahit papaano
lalaging malakas, humaba pa ang buhay ninyo
at makapagbigay gabay pa sa lahat ng apo

kami naman pong naririto, nasa malayo man
ay namumuhay na sa puso'y may kaligayahan
binubuo naming husay ang pamilya't tahanan
at muli po, Ina, maligaya pong kaarawan!

- gregoriovbituinjr.
09.06.2020

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Suot ang bota kapag namatay

SUOT ANG BOTA KAPAG NAMATAY kung sakali mang ako'y matsugi nais kong tangan pa rin ang mithi na magwagi ang mga kauri na baguhin ang sis...