maraming salamat sa inyong tumanggap sa akin
dito sa bunying grupong di ko sukat akalain
pagkat ang mga kasapi'y pawang manunula rin
asahan n'yong patakaran dito'y aking tutupdin
di ko man hangarin ang malaki ninyong paglingap
ngunit laking pasalamat kahit munting pagtanggap
nais kong matuto sa mga tulang masasagap
upang iwing buhay ko'y di naman aandap-andap
lalo na't nananalasa pa ang coronavirus
na di natin malaman kung kailan matatapos
maraming nawalan ng trabaho't pawang kinapos
O, laksa-laksang buhay ang dinaanan ng unos
muli, maraming salamat sa bunying grupong ito
tinanggap ang tulad ko't kapwa karaniwang tao
sa ating nalikhang tula'y magbahaginan tayo
at payabungin pa ang panitikang Pilipino
- gregoriovbituinjr.
08.29.2020
* Handog sa ilang grupong pampainitikan sa facebook na sinalihan ng makata, na pinadala rin niya sa mga grupong iyon.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Gulunggulungan pala'y Adam's apple
GULUNGGULUNGAN PALA'Y ADAM'S APPLE batid natin kung ano ang alak-alakan o likod ng tuhod, nababaluktot naman batid din natin pati an...

-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
"Think lightly of yourself and think deeply of the world." ~ Miyamoto Musashi ang sarili'y huwag mo gaanong pakaisipin kund...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento