dapat ko nang umalis pagkat isang palamunin
sana mahanap ko'y trabahong tatanggap sa akin
sa lockdown, kayraming wala nang trabaho, gipit din
kaya saan na ako pupunta'y pakaisipin
di ako palamunin, lalong di ako pabigat
sa sarili'y sabi kahit may ibang nang-uupat
wala namang naiaambag ang tulad kong salat
sa bago kong pamilyang baka mamatay ng dilat
putang inang coronavirus ito, putang ina!
nilikha ba ng Tsina upang maghari ang Tsina?
tila ba ito'y ikatlong daigdigang giyera
durugan ng bansa't merkado ang bagong sistema
ang nais ko lang sa ngayon ay trabahong may sahod
upang di palamunin, pabigat, at manikluhod
ayoko ng buhay na itong laging nakatanghod
lalo't pabigat sa pamilya't walang kinakayod
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tampipì
TAMPIPÌ sa krosword ko lang muling nakita ang salitang kaytagal nawalâ sa aking isip ngunit kayganda upang maisama sa pagtulâ labimpito paha...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
PUNGLO nakatitig ako sa bituin sa kalawakan nagniningning hanggang binaybay ko ang karanasan nakita kong nananalamin ang dagat sa buwa...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento