Soneto sa dukha
(taludturang 2-3-4-3-2)
tinuturing kayong iskwater sa sariling bayan
sapagkat dukhang walang sariling lupa't tahanan
kaya tinataboy kayong animo'y mga daga
ng naghahari-harian at masisibang pusa
wala kasi kayong pribadong pag-aari, wala
dangal ng burgesya'y nasa pribadong pag-aari
yaman ng uring elitista'y pinagmamapuri
tuklasin mo, maralita, bakit may naghahari
pribadong pag-aari ang sanhi bakit may uri
suriin mo't pag-aralan ang takbo ng sistema
ng lipunang animo'y may totoong demokrasya
na paraan ng kapital upang magsamantala
maralita, di ka iskwater sa sariling bayan
lumaban ka't itayo ang makataong lipunan
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Martes, Pebrero 11, 2020
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang labada ni mister
ANG LABADA NI MISTER bilin ni misis, maglaba ako kaya di ko dapat kalimutan ang sa akin ay biling totoo na agaran kong gagawin naman ang la...

-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
"Think lightly of yourself and think deeply of the world." ~ Miyamoto Musashi ang sarili'y huwag mo gaanong pakaisipin kund...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento