magu-Undas na naman, muling aalalahanin
mga mahal na nangamatay na di lilimutin
magtitirik tayo ng kandila doon sa puntod
at baka sa kabilang buhay, sila'y mangalugod
maaraw man o maulan, tiyak tayo'y dadalaw
sa buong taon bibisita kahit isang araw
parang reyunyon din ng pamilyang nasa malayo
doon sa harap ng puntod ay magkatagpo-tagpo
gugunitain ang mahal sa buhay na namatay
pagkat siya'y karugtong niring puso, diwa't buhay
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
ISANG KAHIG, ISANG TUKA tulad daw ng manok / ang buhay ng dukha pagkat sila'y isang / kahig, isang tuka sa bawat pagkilos / ay kakaing s...
-
BUWAYA tila buwaya'y mukhang Lacoste pangmayaman, pangmay-sinasabi: ang "Their Luxury, Our Misery" na patamà sa mga salbahe i...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento