esensya ng buhay ay wala sa pagpapayaman
kundi nasa pakikibaka't masa'y paglingkuran
di ba't nakasulat sa Kartilya ng Katipunan
"ang buhay na di ginugol sa banal na dahilan
ay kahoy na walang lilim o damong makamandag"
di baleng ako'y naghihirap sa pakikibaka
upang kapwa ko dukha'y lumaya sa pagdurusa
ako'y kikilos pa upang baguhin ang sistema
upang maisaayos ang kalikasan at klima
maging bahagi sa paglutas ng mga problema
tangan ang prinsipyo ng aktibistang mandirigma
pagkakaisahin bilang uri ang manggagawa
oorganisahin bilang hukbong mapagpalaya
marami kaming aktibistang ganyan ang adhika
- gregbituinjr.
pamanting, png ~ maliit na piraso ng metal na ginagamit upang makalikha ng apoy. (UP Diksiyonaryong Filipino, p. 902)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-7 taon ng church wedding
SA IKA-7 TAON NG CHURCH WEDDING naaalala kita sa anibersaryo ng Katipunan at ng tayo'y ikinasal sa simbahan, ngayong ikapito ng Hulyo ik...

-
ANG "AKO ANG DAIGDIG" NI ALEJANDRO G. ABADILLA AT ANG "TAYO ANG DAIGDIG" NG U.S.A. FOR AFRICA Maikling sanays...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
"Think lightly of yourself and think deeply of the world." ~ Miyamoto Musashi ang sarili'y huwag mo gaanong pakaisipin kund...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento